FETAL CIRCULATION

Alam natin na oxygenated blood (OB) ang dumadaloy sa arteries, at unoxygenated blood (UOB) naman ang nasa veins, pero nag-iiba po ito 'pag fetal circulation ang pinag-uusapan.

Fetal circulation means ang circulation ng fetus/baby habang nasa loob palang ito ng uterus ni mother (hindi pa sya pinapanganak).

๐ŸงฃUmbilical cord
Ito ang isa sa pinaka-mahalagang structure sa fetal circulation, hindi mabubuo ang fetal circulation kapag wala 'to.. ito lang naman po ang nagko-konekta ng mother at baby.. hindi po kumakain at umiinom ang bata sa loob, placenta na po kase ang bahala sa nourishment ng fetus, at nadi-deliver ng placenta ang mga nutrition na ito sa pamamagitan syempre ng umbillical cord.

Mayroon pong AVA sa loob ng umbillical cord ng fetus.

▪︎AVA – 2 arteries and 1 vein

Yes, alam na nating AVA, pero anong blood kaya ang laman nila???๐Ÿค”

—Ang laman po ng umbilical arteries ay unoxygenated blood, kung mapapansin mo, parang may mali.. generally po kase ang laman po talaga ng artery ay oxygenated blood.. ang tinutukoy po kase natin dito ay umbilical arteries; at kapag umbilical arteries ang pinag-uusapan, nagiging unoxygenated po ito. Habang oxygenated blood naman po ang laman ng umbilical vein..

๐Ÿ”ดPlacenta
isa po 'to sa pinaka-amazing na structure/organ ng mga babae....

May dalawang function ang placenta; ang magbigay ng nutritients sa fetus like oxygen-rich blood supply (na galing kay mother), at ang mag-alis/remove ng waste (galing kay fetus).

⛳Shunting
isa po ito sa mga nangyayare sa fetal circulation na hindi nangyayare sa adult o afterbirth circulation.

Nagkakaroon po ng shunting o paglipat ng blood flow sa circulation ng fetus.. at may tatlong shunt po tayong tinutukoy dito:

1. Foramen ovale: allows the transfer of the blood from the right to the left atrium,

2. Ductus arteriosus: moves blood from the pulmonary artery to the aorta.

3. Ductus venosus: found at the LIVER and umbilical vein that helps shunt oxygenated blood to the inferior vena cava.

๐Ÿ’กtip: madalas tinatanong sa mga exams kung saan ang location at kung anong structure/organ ang bina-bypass  ng bawat shunt (aralin mo 'yun kapatid).

Afterbirth, naalis o nagsasara ang mga shunts na'to at nagiging ligaments..

tandaan mo na kapag hindi magsara ang mga shunts na'to afterbirth...magkakaroon po ng malaking problema; pwedeng magkaroon ng congenital heart defect (o yung may butas ang puso) ang bata.. 

Comments

Popular posts from this blog

NURSING TEST TAKING TIPS

TEST TAKING TIP | ANXIETY MANAGEMENT