TEST TAKING TIP | ANXIETY MANAGEMENT



Anxiety ang isa sa magiging problema mo sa exam (lalo na sa boards).. maniwala ka, kahit na anong galing mo, pag inatake kana ng matinding anxiety—magkakamali ka.

maraming negative na pwedeng mangyare sa’yo.. like mahihirapan kang mag-focus, hindi mo mababasa ng maayos ang mga questions, hindi mo namalayan na may ‘except’ pala sa tanong, hindi mo masi-shade ng maayos ang answer sheet, at marami pang iba.

Lahat po tayo ay nakaka-experience ng anxiety pero hindi lahat ay kaya itong i-manage. Ang goal natin actually is not to eliminate the anxiety, dahil kusa lang po ito nawawala (normally). Ang goal natin is just to minimize it. How???

πŸ“KNOW THE SIGNS
Ang pinaka-una ay dapat alamin mo kung ano ang mga signs ng nagkaka-anxiety..

Pag ang dami mong pinoproblema (worrying), agitated (hindi mapakali), nag-iincrease ang HR at RR, pag hindi kana makapag-focus at concentrate, pag masyado ng mabigat ang pakiramdam mo sa paligid—anxiety nayan.

🧘‍♂️PREPARATION
A day before exam dapat naihanda mo na ang mga gagamitin mo.. if posible, gumawa ka ng checklist. Tandaan mo na kapag hindi ka handa sa araw ng exam isa ito sa magiging cause ng anxiety mo.

🧠OVERTHINKING
sa araw ng exam.. ang dapat mo lang isipin ay ang tanong at sagot sa mga tanong sa exam.. huwag mo isali ang family problems, relationships, etc..

πŸ’¦BLADDER EMPTYING
Ang mga discomforts na nararamdaman mo ay pwede mag-cause ng anxiety, isa na dito ay kapag full ang bladder mo, always umihi before/after exam–kahit hindi mo nararamdaman na naiiihi ka pumunta ka parin sa CR kase pwede ma-stimulate ang bladder mo pag andun kana.. huwag rin uminom ng masyadong maraming tubig para hindi ka ihi ng ihi.

🌬STOP and BREATH
pag nararamdaman mo na nagkaka-anxiety kana—tumigil ka muna para mag-isip at huminga ng maayos.. huwag ka muna magpatuloy, tamang-tama lang ang oras sa exam kahit tumugil ka ng konti.

πŸ›ŒREST
2 hours per subject ang exam pero di ibig sabihin non ay 2 hours ka narin magbabasa at sasagot.. kailangan mo rin magpahinga. tip: pag umabot kana sa number 50 (kalahati ng exam), pahinga ka muna kahit 3–5 minutes lang.


Comments

Popular posts from this blog

NURSING TEST TAKING TIPS

FETAL CIRCULATION